MISTERYO NG HAPIS
by Joi Barrios Leblanc
April 2007
(Para kay Fely Garcia, domestic worker sa New York na diumano’y nagpatiwakal)
Nakabitin siyang
natagpuang patay,
Anong misteryo ng hapis.
Ang tanging sinisiwalat
Ng pantali sa kanyang leeg
Ay sanhi ng pagkamatay,
Di nito maibubulalas
Ang hapdi ng kaluluwa,
O ang dalamhating inipon sa dibdib.
Ang ipinagluluksa natin
Ay di ang katawang walang buhay,
Di isang numero sa statistiko
ng mga manggawang nangibang-bayan
Di lamang si Fely, ang mahal nating si Fely,
Kundi si Huli, laging si Huli,
Katulong na bayad utang,
Lahat tayong inaakalang
Aliping bayad utang.
Tanging ang kanyang pagkamatay
Ang misteryo.
Ang kahirapang nagtutulak sa pagluwas
ang trahedya na nakasakmal sa ating mga leeg,
At tayo’y nakikibaka, bawat saglit nakikibaka
Para sa bawat hiningang walang pangamba,
Para sa luwalhati
Ng kaunti man lamang pag-asa.
Joi Barrios Leblanc
Bagong Alyansang Makabayan
MYSTERY OF SORROW
(For Fely Garcia, a domestic worker who allegedly committed suicide in her New York apartment)
The woman in the closet
Hangs dead,
A mystery of sorrow.
The sash around her neck
Tells only of the cause of death,
Not the pain of the spirit,
Nor the longing of the heart.
So we mourn,
Not the lifeless body,
Nor the overseas worker statistic,
Not only Fely, dear Fely,
But Huli, ever Huli,
A servant paying for debt with life.
All of us they consider as slaves,
paying for debt with life.
Only her death
Is a mystery.
The poverty that drives us to exile
Is the tragedy
That wrings our necks,
And we fight,
Each moment we fight
For glorious hope,
For every fearless breath.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment